Kabanata III DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
Kabanata III DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mgainstrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.Disenyo ng Pananaliksik Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey dahilnaaangkop ito sa mga estudyanteng mahihilig maglaro ng Online Games tuladng Counter Strike. Marami itong epekto sa pag-aaral nila, kalusugan at sapakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito angkasalukuyang kaalaman, damdamin, kaisipan at pananaw ng mga tao sa mgamaaaring maging epekto ng computer gaming sa edukasyon. Nais rin ngpananaliksik na masuportahan ang mga naunang pahayag ng mga nag-aaraltungkol sa mga epekto ng nasabing usapin.Respondente Ang mga kalahok sa pananaliksik ay nagmula sa iba’t-ibang taon ng mgamag-aaral sa OLFU – Antipolo na kumukuha ng Kursong IT. Sa mgarespondente na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na aming
ipapamahagi ay ang mga naglalaro ng online games. Limitado sa 80 mag-aaralang maaaring sumagot sa aming talatanungan.Instrumento ng Pananaliksik Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoner otalatanungan na binigay sa 80 na mag-aaral na kumukuha ng Kursong IT saAntipolo Campus. Ang talatanungan ay binubuo ng 5 na katanungan atpinasagutan sa mga respondente. Sinasagot ng mga kalahok ang bawat tanongsa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kanilang kasagutan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan naminpara makakuha ng mga datos na susuporta sa aming tesis.Paraan ng Pagkalap ng Datos Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawang talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto angkaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupanng mga tanong samga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal napinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sabawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang
nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga sagotng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.Istatistikal na Tritment Ang istatistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay pagkuha ngporsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Bilang ng sumagot X 100 Bilang ng Respondente